group 4

gamino. caragay. depone. galicia. gansatao. pasco. simbulan. zuniega.

Thursday, January 20, 2005

ang kwento ng alibughang anak!

gusto ko lang i-share yung kwento! uminom kami ng mga kaibigan noong jan.16 madaling araw na ako nakauwi... Nang makauwi ako ay tinanong ako ng aking nanay kung kakain daw b ako sabi ay "OPO" magalang di ba? ipinaghanda pa ako ng aking sobrang bait na nanay ng makakain. Matapos kong kumain ay nagpahinga lang ako at nakatulog na! Nang magising ako kinabukasan ay nakahanda na ang aking almusal. Bait talaga ni Inay! =) Kumain ako ng almusal at nang matapos na ay pupunta na dapat ako ng banyo upang maligo ngunit nagtanong ang aking nanay. May nakakalimutan ka ba? Nag-isip ako sandali. "Ahh, nakalimutan kong ilagay sa lababo ang pinagkainan ko" ang sabi ko at sabay punat ng mesa para kunin yung pinagkainan ko. "Wala lang" sabi ng nanay ko! Nagpunta na ako sa banyo para maligo dahil may klase pa ako. Matapos kung maligo ay nag-ayos na ako at nagbihis para pumasok sa peyups. Nagpaaaaalam na ako sa aking nanay upang pumasok ngunit nagtanong na naman siya kung may nalilimutan ako! Hindi na ako nag-isip at sinabi kong yung baon ko ay hindi pa naibibigay. Dumakot yung nanay ko ng pera sa bulsa niya. Pero nagtanong ulit siya kung wala na daw ba akong nakalimutan. Nang magawi sa pagkalakilaki naming kalendaryo ang aking mga mata ay napamura ako sa aking isipan dahil birthday pala ng aking mahal na ina. Walang kwentang anak talaga! Niyakap ko ang aking nany at binati siya ng " Happy Birthday nay! I LOVE YOU!" humalik na ako sa nanay ko at nagpaalam. Sabi ng nanay ko na regalo mo na lang sa akin yung paguwi mo ng maaga! Sabi ko naman 10pm po nasa bahay na ako... Maayos naman ang peyups ng araw na iyon. Tahimik, walang gulo... Nang mga bandang alas kwatro ng hapon ng makita ko ang mga sisses na magaganda, hehehe! nagyaya silang gumimik or uminom. sabi ko inom na lang at uuwi ako ng 10pm. Napagkasunduan na inom na lang. Bumili kami ng maiinom at naupo sa may sunken, trip lang! masya ang trip! kinuha ko yung gitara sa tamabayan ng org. ko at mejo nagjamming kami sa ilalim ng kalawakan. Hanggang sa dumating angkinatatakutan ko! WAAAAAHHH! hindi ako nakauwi g maaga... =( umaga na ulit ako nakauwi mga 3am na! kumatok ako sa bahay dahil wala akong dalang susi at pinagbuksan ako ng aking sobrang maunawaing nanay! pagkabukas ng pinto ay niyakap ko agad ang aking nanay at sabay sabing "SORRY nay!" ok lang sabi ng nanay ko! tinanong niya ako kung kakain daw ako at sabi ulit "OPO" magalang talaga! pinaghanda ako ng nanay ko ng pagkain, itinimpla pa niya ako ng gatas! na-touched ako. Hindi npa uakyat ang nany ko at pinanood niya koang kumain. Lalo akong nahiya sa aking sarili ng magawi sa may table na picture frame ang aking mga mata dahil nakita ko ang bouquet ng roses na bigay ng kuya ko! Badtrip sipsip... joke lang! =) sabi ko na lang sa nany ko "nay, pasensiya na po wala po akong roses kasi wala po akong pera eh. Okey lang yun sabi ng nanay ko! "BELATED Happy Birthday nay" pagbati ko ulit! Yan ang kwento ng pagiging alibughang anak ko ng mga panahong iyon! sana ay walang magbago ang pagtingin sa akin dahil dito! ikiniwento ko ito dahil ako ay isang taong hindi natatakot na aminin na nagkakasala din ako! kahit mabait ako at mahal na mahal ko ang aking nanay! ako pa! ako yata ang bunso ng nanay ko! hehehe! =)

1 Comments:

Post a Comment

<< Home